stahpatz

Oh.
Tama na.
Masakit na.
May pake ako.
Ikaw, pakeLESS.
.
.
.
Ayoko na.

Para saan pa nga ba?
Para saan pa ang paggising sa umaga?
Para saan pa ang pananatiling gising sa gabi?
Para saan pa ang pag-uubos ng tinta ng panulat?
Para saan pa ang pagloload kay Aling Ela?

PARA SAAN PA?
WALA NA RIN NAMAN.
WALA NAMAN.

Kdie. 😦

Advertisements

3 minutes

Hiniling ko na sana magkasabay tayo pumasok ngayong araw..

Bumaba ako sa hindi pamilyar na babaan na hindi naman kalayuan sa pamilyar kong binababaan.

Nagbabakasakaling kapag nagpahuli ako ng kaunti, eh, makakasabay kita.
.
.
.
Pero, bigo. Sa maraming beses na hiniling, bigo pa rin.
.
.
Tatlong minuto lang ang pagitan..
Ang hiniling, kamuntikan ng matupad.

SAYANG.
SAYANG.
SAYANG.

Kung nagpahuli pa ako ng tatlong minuto, edi sana, natupad na ang aking hiling.. Hiling na minsan kong pinangarap. Hiling na kung gugustuhin ko ay mangyayari.
.
.
.
Bibilhan na lang kita ng pasensya sa may New Long Life Bakery. 😦

For just 7.50

Oo. Nagkaroon ako ng idea na sana, may makilala ako sa work na posibleng jowa. Hanggang sa malaman ko na pareparehas lamang ang uri ng mga tao doon.

Edi, bigo..
Pero, i’m very much open sa mga friendships na mabubuo or kung may mas malalim diba, why not.

Sa simula, who the hell cares sa mga opinions mo sa buhay. Hindi ko gusto ang grupo mo. Ang grupo kung saan ka nakikisalamuha. Yung grupo na maingay at akala mo alam lahat, na ang tanging gawain lamang ay manghusga ng ibang kasamahan sa trabaho.

Pero mali ako. Ngayon, sila na iyong kasama ko sa araw-araw. Katawanan. Karamay. Kasama.

At ikaw.. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa dating pinakaaayawan ko, eh, (pinaka) gusto ko na.. Nagustuhan? HINDI. Gusto pa rin.. Oo, hanggang ngayon. I lied noong tinanong mo ako this month kung tapos na ba ako sa phase ko sa’yo.. Ang sinabi ko, “OO TAPOS NA.”

Pero ang totoo, hindi pa. HINDI rather. Hindi ata matatapos to.

Umasa kasi ako.. Umasa na mutual tayo. Pero ano? Ako lang pala lumalaban dito? Sabi na. Sobraaaaaang assuming ko. Pinadama mo sa akin. Naramdaman ko. Tapos wala lang yon? Clingy ka lang talaga sa mga friends mo? ACT OF KINDNESS lang? Ganon? Pucha naman.

Ang sakit.
Kasi alam ko, ramdam ko, na meron..

Gusto nga kitang tanungin… Tanungin kung ni minsan ba, hindi mo ako nagustuhan? Hindi ka ba nahulog? Andito naman ako, sasaluhin ka mula sa pagkahulog. Pero ano? Takot ka. Natatakot ka na mahusgahan ng mga natural na mapanghusgang mga tao. Na kahit sa sarili mo at sa ibang tao, eh hindi mo matanggap na parehas tayo.

Tanggapin mo naman.
Hindi bilang kaibigan… Blah blah.

Gusto kita, okay? Gusto kong gustuhin mo yung pagkagusto ko sa’yo. Pero hindi, kasi ayaw mo.

So hopeless. I’m sorry. Kasi ikaw pa pinili ng tadhana na magustuhan ko.

Which Way is Up?

:3

Eat, Play, Love

As most of you know, we began this blog for two reasons: 1) to expand the kids’ horizons, open their minds and introduce them to other foods and cultures, and 2) to chronicle pieces of our family life, so the kids will always have these stories and memories. So this post, will focus on the life side of things; and it might explain our hiatus.

As we know life is full of ups and downs. First the down – because it must be written, for the kids.
Charlie

When we returned home from our trip, the day we returned home, we lost Charlie, our 11-year old kitty to a stroke. Needless to say, it is not what we expected to come home to after two weeks of making glorious memories. We had Charlie before the kids were born and have so many wonderful memories with this little, crazy guy. He was…

View original post 715 more words

Loveteam

 

Image

 

 

“Loveteam”

 

May mga bagay na hawak mo na, pero hindi mo naman pinahahalagahan. At minsan, kahit hindi mo naman hawak ang mga bagay, kailangan mo itong pahalagahan upang sa huli, hindi mo malasap ang pait ng pagsisisi.

 

Si Paolo at Christina ay matalik na magkaibigan at sila’y nasa ikaapat na taon na sa kolehiyo. Pareho silang miyembro ng isang organisasyon sa kanilang pamantasan— ang Drama Club. Sa sobrang lapit nila sa isa’t isa, marami na silang nalinlang na sila’y magnobyo’t nobya.

 

 

            “’Di, ‘di naman talaga tayo magsinta, pero gusto nila, kahit ayaw mo, bagay daw tayo di naman totoo mga yakap mo pang-eksena lamang ito. ‘Di mo lang alam na nababaliw na’ko sa iyo, di ko na yata kaya to, ang aking lihim na pakay ay ang lahat ng ito’y gawing tunay..”

 

            “Bespren! Bespren! Hoy Ryan Paolo Monteclaro!!!” malakas na sigaw Christina, sabay hila sa earphones sa tainga ni Paolo. “Uy, bespren, sorry, ‘di kita narinig agad, alam mo namang may nakasalpak sa tainga ko eh.” depensa ni Paolo.

 

Sabay nang naglakad ang dalawa at nagkayayaang kumain ng tanghalian sa paborito nilang karinderya sa gilid ng kanilang pamantasan. Napag-usapan nila si Carlo, ang manliligaw ni Christina.

 

            “Ano? Sasagutin mo na? Sige! Sa kanya ka na!” wika ni Paolo. “Ito naman! Siyempre hindi pa. Patatagalin ko muna. Mga 10 years, puwede na?” pabirong sagot ni Christina. “Lolokohin ka lang niyan, papaiyakin, at sasaktan.” pabulong na sagot ni Paolo. “Anong binubulong bulong mo diyan?!!” Basta, ‘pag oras na para sagutin ko siya, ‘yun na ‘yun.” sagot ni Christina habang nakatitig sa kawalan. “Bakit kasi ‘yun pa? Parang adik. Madami namang iba diyan. Mas matino at mas aalagaan ka.” seryosong sabi ni Paolo habang nakatingin sa mga mata ni Christina.

 

Napaisip si Christina sa mga nabanggit ni Paolo. Pagkatapos nilang kumain ay bumalik na sila sa kanilang mga klase. Sumapit ang uwian at sabay silang umuwi. Kapag nagkakasabay ang dalawa ay inihahatid ni Paolo si Christina sa kanilang bahay. Hindi pa rito natatapos ang kanilang komunikasyon, dahil hanggang sa gabi ay magkapalitan ng mensahe ang dalawa. Laging hinihintay ni Paolo makatulog muna si Christina bago siya matulog. Magbespren eh!

 

Hanggang sa dumating na ang araw na kinatatakutan ni Paolo.

 

            “Bespren! Sinagot ko na si Carlo!” pasigaw na sabi ni Christina sabay yakap kay Paolo nang magkasalubong ang dalawa sa gitna ng parke. “Huh? Ah… Eh, congrats!” sagot ni Paolo.

 

Bakas sa mukha ni Paolo ang pagkagulat sa nalaman. Gustong kumawala ng mga luha niya mula sa pagkakatago nito sa kanyang mga mata. Tila ba kakampi niya ang kalangitan at sa ‘di inaasahang pangyayari ay biglang bumuhos ang ulan. Natakpan ng mga patak ng ulan ang mga patak ng luha na galing sa kanyang sugatan na puso.

 

Totoo ngang kapag nagkaroon ng pag-ibig ay nababawasan na ang oras sa mga kaibigan. Ito ang nangyari sa dalawang matalik na magkaibigan. Umiwas si Paolo. Lumihis siya sa nakasanayan niyang ginagawa. May naghahatid na kasi pauwi kay Christina at may naghihintay na rin hanggang sa makatulog siya sa gabi. Para saan pa kung patuloy niya pa ring gagawin ang mga bagay na iyon. Kaya’t naisipan na lang niyang lumayo.

 

Naging palaisipan kay Christina ang mga ikinikilos ni Paolo. Nagbago na ang lahat, at aminado si Christina doon. Kaya naman ay inaya niya si Paolo upang gumala at kumain sa labas kagaya ng dati.

            “Bespren! Bakit hindi mo na sinasagot mga texts ko?” tanong ni Christina. “Ay, sorry, baka lowbatt ako nun.” sagot ni Paolo. “Araw-araw lowbatt? Iniiwasan mo ba ako?” banat ni Christina. “Haha! Wala kasi akong load minsan.” pabirong depensa ni Paolo. “Ay, aywan ko sa’yo! Puro ka excuses! Ang drama mo talaga!” sabi ni Christina sabay akbay kay Paolo. “Alam mo, nakakamiss ka rin pala.” hirit ni Christina habang patuloy na nakaakbay kay Paolo. “ Sus, saka lang ako namiss nung lumayo ako. Ako nga lagi kang namimiss eh.” pabulong na sagot ni Paolo. “Ano? ‘Yan ka na naman sa bulong bulong eh!” sabi ni Christina sabay hampas kay Paolo. “Wala! Bingi mo talaga. Hindi lang bingi, bulag pa.” pabirong sagot ni Paolo.

 

Lumipas ang ilang buwan at dumating na ang araw ng kanilang pagtatapos. Sinalubong ni Christina at Paolo ang isa’t isa at nagbatian.

 

            “Bespren! Graduate na tayo! Congrats sa’tin!” masayang sambit ni Christina. “Oo nga eh. Ito na rin siguro ang tamang oras para sabihin ko ‘yung matagal ko nang hindi masabi-sabi sa’yo…” biglang dumating si Carlo at hindi na naituloy ni Paolo ang sinasabi niya. “Oh, Carlo! Mabuti dumating ka na.” wika ni Christina.

 

Mamula-mula ang mga mata ni Carlo at tila gulo-gulo pa ang buhok. Ipinakilala ni Christina si Carlo kay Paolo.

 

            “Paano ba iyan bespren, sinusundo na’ko. Kakain pa kami sa labas. Icecelebrate na rin namin ang aming monthsary.” wika ni Christina. “Ah, sige. Ingat kayo. Mag-ingat ka, bespren.” sagot ni Paolo na tila nagdududa sa ikinikilos ni Carlo. “Oo naman. Salamat bespren! Ikaw talaga ang the best bespren!” wika ni Christina.

 

Nagpaalam na sila sa isa’t isa. Hindi na naituloy ni Paolo ang balak niyang pagtatapat ng damdamin kay Christina.

 

Hanggang sa dumating na ang unang araw pagtapos ng kanilang pagtatapos. Binuksan ni Paolo ang radyo at nakinig sa paborito nilang istasyon ng bespren niya. Napansin niya ang dyaryo sa ibabaw ng kanilang lamesa at agad itong kinuha. Napukaw ang kanyang atensyon sa nakasulat na headline.

 

“Fresh graduate, todas sa kamay ng drug addict na boyfriend.”

 

Agad niyang nilipat sa pahina ng headline na iyon. Para bang pinagsukluban siya ng langit matapos mabasa ang buong balita. Kusang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata at hindi makapaniwala sa nabasa.

 

            “Magkasama lang kami kagabi, at ngayon, wala na siya.” malungkot na tono ni Paolo. “Sabi na, may mali sa mga ikinikilos nung Carlo na iyon!” dagdag pa niya.

 

            “Wala na, huli na. Hindi ko na nasabi kay bespren ang lahat. ‘Yung mga panahong hindi ako bibili ng pananghalian para lamang may ipon ako at malibre ko siya ng pamasahe tuwing uuwi kami pagtapos ng klase. ‘Yung mga panahong umiinom ako ng kape gabi-gabi para lamang hindi maunang makatulog. ‘Yung nga panahong masasaya. Wala na. Nagsisisi akong ‘di ko nasabi sa kanya na labis ko siyang mahal.” wika ni Paolo sa kanyang sarili habang tumatangis at nakikinig sa radyo.

 

“Sana ‘wag mo kong sisihin kung di ko kayang pigilin, sabi mo na mahal mo’ko ngunit di naman seryoso. Sana magkasingkulay ang drama at tunay na buhay ko, ang tanging pag-asa ko ay nasa tambalang ito.”

“Give Chance To Others”

“GIVE CHANCE TO OTHERS”

 

Madalas natin tong marinig sa mga laro.

 

Ang malupit na tanong…

Hanggang kailan natin pagbibigyan ang ibang tao?

Hanggang kailan natin iisipin ang kapakanan nila?

Ano? Sila lang may karapatang lumigaya?

Ang may karapatang matamasa ang buhay na pinapangarap nila?

 

At paano tayo?

Patuloy na lang bang isusuko ang pansariling kaligayahan para sa kanila?

Magmumukmok sa isang sulok habang tumatangis?

Habang buhay na pagsisihan ang lahat?

 

 

Ang kasagutan.. Eh habang/ hangga’t ang dugo natin ay dumadaloy. Hangga’t kaya natin, gawin natin ang tama. Gawin ang nakabubuti. Huwag isipin ang pansariling kaligayahan. Lumabas sa lungga at tuklasin ang mundong kinabibilangan. Hangga’t NABUBUHAY ka, LUMABAN ka. Pag-isipan ng sandaang libong beses ang lahat ng desisyon nang sa huli’y hindi pagsisihan ang mga magiging bunga.