stahpatz

Oh.
Tama na.
Masakit na.
May pake ako.
Ikaw, pakeLESS.
.
.
.
Ayoko na.

Para saan pa nga ba?
Para saan pa ang paggising sa umaga?
Para saan pa ang pananatiling gising sa gabi?
Para saan pa ang pag-uubos ng tinta ng panulat?
Para saan pa ang pagloload kay Aling Ela?

PARA SAAN PA?
WALA NA RIN NAMAN.
WALA NAMAN.

Kdie. 😦

Advertisements

3 minutes

Hiniling ko na sana magkasabay tayo pumasok ngayong araw..

Bumaba ako sa hindi pamilyar na babaan na hindi naman kalayuan sa pamilyar kong binababaan.

Nagbabakasakaling kapag nagpahuli ako ng kaunti, eh, makakasabay kita.
.
.
.
Pero, bigo. Sa maraming beses na hiniling, bigo pa rin.
.
.
Tatlong minuto lang ang pagitan..
Ang hiniling, kamuntikan ng matupad.

SAYANG.
SAYANG.
SAYANG.

Kung nagpahuli pa ako ng tatlong minuto, edi sana, natupad na ang aking hiling.. Hiling na minsan kong pinangarap. Hiling na kung gugustuhin ko ay mangyayari.
.
.
.
Bibilhan na lang kita ng pasensya sa may New Long Life Bakery. 😦

For just 7.50

Oo. Nagkaroon ako ng idea na sana, may makilala ako sa work na posibleng jowa. Hanggang sa malaman ko na pareparehas lamang ang uri ng mga tao doon.

Edi, bigo..
Pero, i’m very much open sa mga friendships na mabubuo or kung may mas malalim diba, why not.

Sa simula, who the hell cares sa mga opinions mo sa buhay. Hindi ko gusto ang grupo mo. Ang grupo kung saan ka nakikisalamuha. Yung grupo na maingay at akala mo alam lahat, na ang tanging gawain lamang ay manghusga ng ibang kasamahan sa trabaho.

Pero mali ako. Ngayon, sila na iyong kasama ko sa araw-araw. Katawanan. Karamay. Kasama.

At ikaw.. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa dating pinakaaayawan ko, eh, (pinaka) gusto ko na.. Nagustuhan? HINDI. Gusto pa rin.. Oo, hanggang ngayon. I lied noong tinanong mo ako this month kung tapos na ba ako sa phase ko sa’yo.. Ang sinabi ko, “OO TAPOS NA.”

Pero ang totoo, hindi pa. HINDI rather. Hindi ata matatapos to.

Umasa kasi ako.. Umasa na mutual tayo. Pero ano? Ako lang pala lumalaban dito? Sabi na. Sobraaaaaang assuming ko. Pinadama mo sa akin. Naramdaman ko. Tapos wala lang yon? Clingy ka lang talaga sa mga friends mo? ACT OF KINDNESS lang? Ganon? Pucha naman.

Ang sakit.
Kasi alam ko, ramdam ko, na meron..

Gusto nga kitang tanungin… Tanungin kung ni minsan ba, hindi mo ako nagustuhan? Hindi ka ba nahulog? Andito naman ako, sasaluhin ka mula sa pagkahulog. Pero ano? Takot ka. Natatakot ka na mahusgahan ng mga natural na mapanghusgang mga tao. Na kahit sa sarili mo at sa ibang tao, eh hindi mo matanggap na parehas tayo.

Tanggapin mo naman.
Hindi bilang kaibigan… Blah blah.

Gusto kita, okay? Gusto kong gustuhin mo yung pagkagusto ko sa’yo. Pero hindi, kasi ayaw mo.

So hopeless. I’m sorry. Kasi ikaw pa pinili ng tadhana na magustuhan ko.